PCG: Malakas na alon dahilan ng pagtaob ng bangka ng dragon boat team sa Boracay

By Noel Talacay September 25, 2019 - 03:16 PM

Inquirer file photo

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na lumabas sa paunang ulat sa kanilang imbestigasyon na dahil sa malakas na alon na tumama sa dragon boat dahilan para maaksidente ito.

Basi sa ulat ng PCG nagsasagawa ng pagsasanay ang 21 miyembro ng Boracay Dragon Force Team sa karagatan ng Sitio Lingganay, Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay Aklan bandang alas-07:40, Miyerkules ng umaga, nang mangyari ang aksidente kung saan pito ang nasawi.

Sinabi ng pamunuan ng PCG na nagpapagaling na ang 14 na nalaligtas sa Saint Gabriel Hospital.

Ilalabas naman ng nasabing ahensya ang mga pangalan ng mga nasawi  sa susunod na 24 oras.

TAGS: boracay, dragon boat team, philippine coast guard, boracay, dragon boat team, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.