Malacañang ibinida ang pagganda ng buhay ng mga Pinoy sa SWS survey
Welcome sa Malacanang ang resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na anamnestic comparative self-assessment (ACSA) na nagsasabing siyam sa bawat sampung adult na Filipino o 86 percent ang nagsabi na naging positibo ang kanilang pamumuhay sa huling quarter ng 2018.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, halos kapareho lamang ang naturang figure noong December 2017 na 87 percent sa mga Filipino ang nagsabing positibo ang kanilang pamumuhay.
Dagdag ni panelo hindi matatawaran ang pagtatrabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gabinete masiguro lamang na mabibigyan ng komportableng pamumuhay ang bawat Filipino.
Bagay naman aniya na hindi nakikita ng kanyang mga kritiko.
Sinabi pa ni Panelo na bagamat abala ang pangulo sa pagpapanatili sa peace and order sa bansa, hindi naman nito nakaliligtaan ang pagpapahalaga sa pondasyon ng bawat pamilya at ito ay ang pagpupursige ng socio development programs.
Halimbawa na lamang ayon kay Panelo ang paglagda ni Pangulong Duterte sa mga batas na Sagip-Saka, Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at magna carta of the poor na malaking tulong para sa mga mahihirap.
Panay din aniya ang pamamahagi ni Pangulong Duterte ng mga certificates of land ownership awards sa libo- libong manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.