53 opisyal ng DFA inirekomenda nang makumpirma sa CA

By Dona Dominguez-Cargullo September 25, 2019 - 12:28 PM

Inirekomenda nang makumpirma sa Commission on Appointments (CA) ang 53 opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang rekomendasyon ay ginawa matapos ang pagdinig ng CA panel.

Nananatili namang pending ang nominasyon ni Rodolfo Dia Robles bilang Philippines’ Permanent Representative to the United Nations (UN) sa New York, United States.

Ito ay dahil nagpatawag pa ng caucus ang panelo para talakayin ang kaniyang nominasyon.

Sa pagdinig ng Committee on Foreign Affairs ng CA, nagisa si Robles dahil sa ilang mga isyu kabilang na ang pasya ng Duterte administration na suspindihin ang pagtanggap ng financial assistance mula sa 18 bansa na bumoto para aprubahan ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) resolution na nananawagan ng imbestigasyon sa mga pagpatay na nagaganap sa bansa.

Inungkat din ng mga mambabatas kay Robles ang posisyon niya hinggil sa West Philippine Sea.

TAGS: CA Panel, commission on appointments, Department of Foreign Affairs, CA Panel, commission on appointments, Department of Foreign Affairs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.