Senado nagpaliwanag sa pagtapyas sa pondo ng reproductive health program ng gobyerno

By Den Macaranas January 07, 2016 - 08:48 PM

rh-bill
Inquirer file photo

Aminado si Sen. Tito Sotto na siya ang nanguna sa pag-alis ng P195,963,748 na pondo pambili ng mga artificial contraceptives na nakapaloob sa P3.002-Trillion na 2016 National Budget.

Ipinaliwanag ng mambabatas na kakarampot ang nasabing pondo na bahagi ng P2.3-Billion budget na inilaan ng Department of Health sa Family Health and Responsible Parenthood project.

Ang nasabing halaga ay nauna nang hinati ng DOH sa limang bahagi bilang pambili ng mga artificial contraceptives na kinabibilangan ng mga sumusunod.

  • P15,964,748 – IUD
  • P30-Million – Male Condoms
  • P50-Million – Depot Medioxyprogesterone Acetate
  • P50-Million – Oral Pills
  • P50-Million – Progesterone pills.

Nilinaw pa ni Sotto na ang nasabing mga artificial contraceptives ay maituturing na mga abortifacients at hindi ito naka-palaloob sa pinagtibay na Reproductive Health Law.

Ang pondo na inalis sa nasabing proyekto ay inilipat sa mga State Universities and Colleges na ayon kay Sotto ay mas nangangailangan ng dagdag na pondo.

Nauna dito ay nagbanta si Health Sec. Janette Garin nab aka hindi maisulong ang mga proyekto ng pamahalaan na kontrolin ang paglobo sa ating populasyon dahil sa pag-tapyas ng Senado sa nasabing pondo.

TAGS: Ariticial contraceptives, Condom, doh, IUD, Sotto, Ariticial contraceptives, Condom, doh, IUD, Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.