Panukalang pagpapaliban ng Brgy. at SK election pasado na sa 2nd reading ng Senado
Aprubado na sa ikalawalang pagbasa ng Senado ang panukalang batas na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Lumusot sa second reading ang amended Senate Bill No. 1043 kung saan pinag-isa ang limang panukala.
Kapag naging batas, magkakaroon ng dalawang eleksyon sa 2022.
Ito ang national elections sa buwan ng Mayo at ang Brgy. at SK elections na gagawin sa Disyembre ng naturang taon.
Sa ilalim ng panukala ay sa December 5, 2022 ang susunod na Brgy. at SK elections imbes na sa ikalawang Lunes ng Mayo sa susunod na taon.
Pagkatapos nito ay sa unang Lunes ng December 2025 at makalipas ang kada tatlong taon na gagawin ang naturang halalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.