Duterte sa militar: Giyera kontra terorismo at rebelyon ipagpatuloy
Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ni bagong Chief of Staff Lt. Gen. Noel Clement na ipagpatuloy ang giyera kontra terorismo at insurgency.
Sa talumpati na binasa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa AFP change of command ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, tiniyak ng presidente na ipagpapatuloy ng gobyerno ang suporta sa pagpapalakas sa kakayahan ng militar.
“I now enjoin the troops to continue the fight against the threats of terrorism and insurgency under the leadership of the new Chief of Staff, Lt. Gen. Noel Clement,” ayon sa pangulo.
“As your Commander-in-Chief, I assure you that the Philippine government will continue to support you as we upgrade your capabilities and pursue initiatives in securing the safety of every Filipino,” dagdag ni Duterte.
Ayon pa sa pangulo, nasa likod ng militar ang buong bansa sa layong maabot ang kabutihang panlahat at matamo ang tunay na pagbabago.
“Be assured that the entire nation is behind you as you bravely march towards the battlefield to advance the common good and secure genuine and lasting change for our motherland,” ayon kay Duterte.
Si Clement ay pormal nang naitalaga kahapon bilang ika-52 AFP Chief of Staff at pang-anim sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Hindi nakadalo ang pangulo sa change of command ceremony dahil sa mataas na body temperature ayon sa Palasyo ng Malacañang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.