Source ng sinasabing pagkakaroon pork barrel sa 2020 budget ipinalalantad kay Sen. Lacson
Hinamon ni Capiz Rep. Fredenil Castro si Senador Panfilo Lacson na pangalan ang kanyang source na nag aakusa sa Kamara na naglalaan ng “pork” sa 22 deputy Speakers.
Ayon kay Castro, na wala silang alam kung saan nanggagaling ang akusasyon ni Lacson kaya dapat silang tulungan ng Senador para lumabas ang katotohanan sa nasabing impormasyon.
Pinagpiprisinta din ni Castro kung sinuman ang source ni Lacson ng ebidensya na verified at authenticated.
Binigyang diin ni Castro na bukod sa parliamentary courtesy ay constitutional duty ni Lacson ang alamin kung tama ang impormasyon bago ito ilabas sa media.
Sinabi ng mambabatas na nasisira ang reputasyon ng Kamara dahil lamang sa mga nakakarating sa senador na mga sabi-sabi lamang ng kanyang mga sources.
Iginiit ng kongresista na bagamat karapatan ni Lacson na suriin ang panukalang P4.1 trillion 2020 national budget ay mahalaga pa rin na maberipika ang impormasyong nakarating sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.