Nagbitiw na pinuno ng PMA hindi pa lusot sa kaso ayon sa Malacanang

By Chona Yu September 24, 2019 - 04:45 PM

Tuloy pa rin ang imbestigasyon kay dating Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. General Ronnie Evangelista kahit na nagbitiw na sa puwesto matapos masawi sa hazing ang kadete na si Darwin Dormitorio.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, ginagarantiyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang whitewash sa imbestigasyon sa kaso ng namatay na kadete.

Marapat lamang na ituloy ang imbestigasyon dahil maituturing na murderous ang hazing.

“Investigation is currently ongoing. The Office of the President guarantees that there will be no whitewash and expects that justice will be rendered for those responsible for the PMA plebe’s fatal death”, ayon pa kay Panelo.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na saludo ang palasyo sa delicadeza ni Evangelista.

Ayon kay Panelo, tama ang ginawang hakbang ni Evangelista para mapanatili ang integridad ng PMA na pinaka premier military institution sa bansa.

Sinabi pa ni Panelo na sana ay gayahin ng iba pang government official si Evangelista na kusa nang magbitiw sa pwesto kapag naramdaman nilang mayroong command responsibility at huwag nang maghintay na pagsabihan pang magbitiw sa puwesto.

TAGS: dormitorio, duterte, gen. ronnie evangelista, hazing, panelo, PMA, dormitorio, duterte, gen. ronnie evangelista, hazing, panelo, PMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.