Malacanang pina-iimbestigahan na rin ang pagguho ng Sogo Hotel sa Maynila

By Chona Yu September 24, 2019 - 03:40 PM

Inquirer photo

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang sangay ng pamahalaan na magsagawa ng malalilamang imbestigasyon sa paguho ng Sogo Hotel sa Maynila kung saan dalawang manggagawa ang nasawi.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na makipag ugnayan ang mga kinauukulan sa lokal na pamahalaan ng Maynila partikular na sa Manila City Engineering Office para sa imbestigasyon.

“President Rodrigo Roa Duterte has already ordered a thorough investigation and we ask concerned authorities to coordinate with the City Government of Manila, particularly the Manila City Engineering Office, for the conduct of the probe,” ayon pa sa kalihim.

Dagdag pa ni Panelo, nagulat at nalungkot ang palasyo sa pagguho ng Sogo Hotel.

Kasabay nito, pinapurihan ng palasyo si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa mabilis na pag responde sa insidente.

TAGS: duterte, moreno, panelo, Sogo Hotel, duterte, moreno, panelo, Sogo Hotel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.