Doktor na sumuri kay Darwin Dormitorio iimbestigahan din
Iimbestigahan din ang duktor na sumuri Philippine Military Academy Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Ang duktor na sumuri kay Dormitorio ilang oras bago ito nasawi ay nagsabing urinary tract infection and dahilan ng mga dinaramdam ng kadete.
Ayon kay Police Col. Allan Rae Co., hepe ng Baguio City Police Office, inaalam nila ngayon kung professional error ang naging dahilan kaya hindi natignan ang internal injuries ni Dormitorio sa PMA Hospital.
Iimbestigahan din kung sinadya pang itago ang totoong medical condition ng biktima.
Hindi naman inilalabas pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng naturang duktor at ng isa pang duktor na sumuri kay Dormitorio.
Si Dormitorio ay unang nagpatingin dahil sa pananakit ng tiyan noong Sept. 17 at pagkatapos ay pinalabas din ng ospital.
Madaling araw ng Sept. 18 nang ibalik siya sa pagamutan dahil sa labis na pagsusuka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.