2020 budget posibleng maipasa ng senado sa katapusan ng Nobyembre
Sa katapusan ng buwan ng Nobyembre maaring maipasa ng Senado ang panukalang P4.1-trillion national budget para sa taong 2020.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, sa susunod na buwan ay uumpisahan na ang plenary discussions sa sandaling mai-pasa sa kanila ng House of Representatives ang inaprubahan nilang budget.
Magkakaroon ng break ang kongreso mula October 4 at sa November 4 na ang balik.
Ayon kay Sotto, sa pagbabalik ng sesyon sa Nobyembre ay magsasagawa na ng interpellation sa budget.
Sa pagtaya ni Sotto, maaring sa pagpasok ng buwan ng Disyembre ay magco-convene ang bicameral conference committee ng dalawang kapulungan para sa 2020 national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.