Inspection trip ng PNR mula Tutuban patungong Camarines Sur at pabalik matagumpay na naisagawa

By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2019 - 08:30 AM

Naging matagumpay ang isinagawang inspection trip ng Philippine National Railways (PNR) sa tren nito mula Tutuban, Maynila patungong Camarines Sur at pabalik,

Umalis ang tren sa Tutuban noong September 20 patungong Camarines Sur at nakabalik kahapon, September 23.

Kabilang sa mga dinaanan mula Tutuban, Manila ang San Pablo, Laguna; Lucena City, Quezon Province; at ang Sipocot, Naga City at Iriga City sa Camarines Sur.

Dahil dito bubuksan na ang Main Line South (MLS) biyaheng Iriga City at handa nang magsakay ng mga rolling stock material mula Maynila at Bicol at pabalik.

Sakay ng nasabing inspection trip ang PNR inspection team mula sa PNR Operations Engineering, at Rolling Stock Management and Planning.

Ginawa ang inspeksyon bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng biyahe ng PNR na rutang Sipocot-Naga-Legazpi.

Tumagal ng 12 oras at 44 na minuto ang biyahe mula Naga hanggang Tutuban, tatlong oras na mas mabilis kaysa sa normal na biyahe mula Naga pa-Maynila.

TAGS: Philippine National Railway, PNR, Tutuban Manila to Camarines Sur, Philippine National Railway, PNR, Tutuban Manila to Camarines Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.