Water level ng Angat dam hindi nagbago sa nakalipas na 24 na oras
By Dona Dominguez-Cargullo September 24, 2019 - 07:49 AM
Walang pagbabago sa antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, nanatili sa 191.56 meters ang water level ng dam.
Wala ding pagbabago sa antas ng tubig ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 78.59 meters.
Habang ang Ipo dam naman ay nasa 101.05 meters ang water level, bahagyang nadagdagan kumpara kahapon.
Nadagdagan din ang water level ng Binga, Ambuklao, San Roque, at Pantabangan.
Habang nabawasan naman ang water level ng Magat at Caliraya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.