Mga kaso ng acute flaccid paralysis (AFP) tututukan para pigilan ang pagkalat ng polio virus

By Rhommel Balasbas September 24, 2019 - 04:50 AM

Mas magiging mahigpit at aktibo na ang Department of Health (DOH) sa pagbabantay sa mga kaso ng acute flaccid paralysis (AFP) sa bansa para pigilan ang pagkalat ng polio virus.

Sa panayam ng media kay Health Undersecretary Eric Domingo araw ng Lunes, sinabi nito na bukod sa mababang immunization coverage, ang mahinang monitoring sa mga kaso ng AFP sa nakalipas na tatlo hanggang apat na taon ang isa sa mga dahilan ng pagbabalik ng polio virus sa Pilipinas.

Ang AFP ayon sa World Health Organization ay ang biglaang pagkaparalisa o paghina ng bahagi ng katawan ng isang bata 15 anyos pababa at ang polio ay isa sa maraming dahilan nito.

“’Yong AFP surveillance medyo mahina din talaga in the last three or four years. Very few people were reporting. Importante din ‘yon – ‘yon ang third component. Unfortunately ‘yong AFP surveillance for past few years, konti ang nagre-report. ‘Pag ganun, may possibility na may hindi nade-detect na mga cases,” ani Domingo.

Dahil dito, patututukan sa mga ospital ang mga kaso ng AFP dahil mahalaga anya ang mahigpit na pagbabantay para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau, mula January 1 hanggang September 7, umabot sa 264 ang nagkaroon ng acute flaccid paralysis kung saan 113 ay non-polio, siyam ang natukoy na hindi AFP at 142 o higit kalahati ang hindi pa tukoy.

Samantala, inanunsyo na rin ni Domingo na sa October 14 at 15 na isasagawa ang malawakang bakuna kontra polio.

Bukod sa Metro Manila, Davao at Lanao del Sur, kasama na ang CALABARZON sa synchronized door-to-door immunization.

Magugunitang sa Lanao del Sur at Laguna naitala ang unang dalawang kaso ng polio sa bansa makalipas ang 19 na taon.

Gayunman, ang mga kanal sa Metro Manila at Davao ay isinama sa listahan matapos makitaan ng Type 1 at Type 2 polio virus.

Nilinaw naman ni Domingo na nananatiling polio-free ang bansa dahil wala pang wild polio-virus sa Pilipinas.

Ani Domingo, ang unang dalawang kaso sa bansa ay vaccine-derived polio (VDP) at kailangan lamang itong mapigilan.

“We are still polio-free because we don’t have wild poliovirus. The two cases that we have are vaccine-derived polio (VDP). We just have to stop its transmission so that we can go back on track,” ani Domingo.

 

TAGS: acute flaccid paralysis, doh, Polio, synchronized door-to-door immunization, vaccine-derived polio, acute flaccid paralysis, doh, Polio, synchronized door-to-door immunization, vaccine-derived polio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.