Noel Clement opisyal nang uupo bilang AFP Chief of Staff ngayong araw

By Rhommel Balasbas September 24, 2019 - 01:36 AM

Pormal nang ibibigay kay Lt. Gen. Noel Clement ang pangangasiwa sa 135,000 na miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw.

Si Clement ang itinalagang ika-52 Chief of Staff ng AFP kapalit ni Gen. Benjamin Madrigal Jr. na naabot na ang mandatory retirement age na 56.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang guest of honor at speaker ang change of command and retirement ceremony sa pagitan nina Clement at Madrigal mamayang alas-4:30 ng hapon sa Camp Aguinaldo.

Si Clement ay ang ikaanim nang Chief of Staff sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Mayroong halos apat na buwan si Clement para magsilbi sa kanyang bagong posisyon bago mag-56 anyos sa January 5, 2020.

Inaasahang mabibigyan ng ranggong four-star general ang bagong Chief of Staff sa mga susunod na linggo.

Una nang nangako si Clement ng agaran at mas pinag-igting na opensiba laban sa rebelyon sa bansa.

 

TAGS: AFP, Change of Command, Chief of Staff, four-star general, Gen. Benjamin Madrigal Jr., Lt. Gen. Noel Clement, mandatory retirement age, AFP, Change of Command, Chief of Staff, four-star general, Gen. Benjamin Madrigal Jr., Lt. Gen. Noel Clement, mandatory retirement age

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.