Big-time oil price increase epektibo na ngayong araw
Epektibo na ang malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyong mamayang alas 6:00 ng umaga.
Nasa P2.35 kada litro ang taas presyo ng gasolina, P1.80 sa kada litro ng diesel at P1.75 sa kada litro ng kerosene.
Ang big-time oil price increase ay dahil hindi nakiusap ang gobyerno na gawing utay-utay ang dagdag presyo ng petrolyo.
Mula January 1 hanggang ngayong Martes, September 24 ay nasa 22 hanggang 23 beses ang oil price adjustment habang 13-15 beses ang rollback.
Dahil mas malaki ang dagdag-presyo, pumapatak sa P13.59 kada litro ang net incrase sa gasolina sa naturang period.
Habang nasa P8.04 ang net increase sa kada litro ng diesel at P4.77 naman sa kada litro ng kerosene.
Samantala, sa tantya ng Department of Energy, magkakaroon ng rollback sa susunod na mga linggo dahil maibabalik na ang supply ng langis matapos ang pag-atake sa Saudi Arabia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.