Parañaque isinailalim sa state of calamity dahil sa dengue outbreak

By Len Montaño September 23, 2019 - 10:51 PM

Isinailalim ang Parañaque City sa state of calamity dahil sa dengue outbreak.

Sa memorandum circular mula sa Parañaque City Health Office, kinumpirma na nasa epidemic status na ang kaso ng dengue sa syudad.

Ito ay dahil umabot na ang bilang ng nagkasakit ng dengue sa 1,702 mula sa dating 1,174 mula January 1 hanggang September 14, 2019.

Ito ay 45 percent na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon at tatlo na ng kumpirmadong namatay sa dengue.

Dahil dito ay iginiit ng City Health Office ang kampanyang 4S ng Department of Health (DOH).

Nanawagan ng implementasyon ng 4S para makontrol ang populasyon ng mga lamok na may dalang dengue at maiwasan ang pagkamatay pa dahil sa sakit.

Ang 4S ay ang Search and destroy mosquito-breeding sites, secure self-protection, seek early consultation at support fogging/spraying sa hotspot areas.

TAGS: 4s, City Health Office, dengue outbreak, doh, epidemic status, Paranaque, State of Calamity, 4s, City Health Office, dengue outbreak, doh, epidemic status, Paranaque, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.