African Swine Fever naitala na rin sa isang barangay sa Antipolo

By Len Montaño September 23, 2019 - 10:25 PM

Kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar na naitala na ang African Swine Fever (ASF) sa isang barangay sa Antipolo, Rizal.

Ayon kay Dar, nagpositibo sa ASF ang mga baboy sa naturang barangay na hindi muna nito pinangalanan.

Sa ngayon ay naka-quarantine na ang nasabing barangay sa Antipolo.

Una ng kinumpirma ng ahensya na 11 barangay ang apektado ng ASF.

Ito ay matapos makumpirma na ASF ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy sa ilang barangay sa Quezon City, Bulacan at Rizal.

Patuloy ang apela ng DA at apektadong mga lokal na pamahalaan sa mga magbababoy na ireport agad ang mga may sakit na baboy.

Nagsagawa naman na ang Quezon City government ng culling o pagpatay sa mga baboy sa pamamagitan ng lethal injection sa loob ng isang kilometrong radius ng mga barangay na mayroong ASF.

 

TAGS: African Swine Fever, Agriculture Secretary William Dar, Antipolo, baboy, barangay, culling, quarantine, African Swine Fever, Agriculture Secretary William Dar, Antipolo, baboy, barangay, culling, quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.