Pagkamatay ng kadete ng PMA sa hazing pinaiimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon September 23, 2019 - 08:10 PM

Dalawang panukala na ang nakahain sa Kamara upang maimbestigahan ang panibagong hazing incident na ikinamatay ng isang kadete ng Philippine Military Academy.

Sa panukalang inihain ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. na isa rin sa may akda ng Anti Hazing Law nais nito na masilip ang umiiral na protocols sa PMA at sa PMA Cadet Corps.

Ang pagkamatay anya ni Darwin Dormitorio ay patunay ng kawalan ng ‘humanity’ sa mga kadete.

Ayon naman kay ACT-CIS Rep. Niña Taduran, nais nila na alamin kung bakit hinahayaan ng mga opisyal na manatili ang kultura ng hazing sa Philippine Military Academy.

Paliwanag ni Taduran, bagama’t inamiyendahan na ang Anti-Hazing Law noong 2017 ay nauulit o nagiging cycle lamang ang karahasan kapag nananahimik ang isyu o wala nang napapabalitang biktima ng hazing.

Giit pa ni Taduran malinaw na krimen ang hazing dahil sa karahasan, pananakit at pagpapahirap sa mga kadete na nauuwi pa sa pagkamatay kaya hindi dapat basta na lamang manahimik dito.

Ipapatawag din sa gagawing imbestigasyon ang mga magulang, mga kadeteng sangkot at maging ang mga matataas na opisyal ng PMA.

Hinihiling din sa mga resolusyon ang pagpaparusa sa mga opisyal ng PMA na nagpabaya sa kaso ni Dormitorio.

TAGS: ACT-CIS Rep. Niña Taduran, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., anti hazing law, Kamara, philippine military academy, PMA Cadet Corps, ACT-CIS Rep. Niña Taduran, Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., anti hazing law, Kamara, philippine military academy, PMA Cadet Corps

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.