Pilipinas naghahanap na ng ibang mapagkukunan ng petrolyo
Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan partikular na ang Department of Energy na maghanap ng ibang bansa na mapagkukunan ng suplay ng langis.
Pahayag ito ng palasyo matapos ang pag-atake sa Saudi Arabia na pangunahing pinagkukunan ng langis.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, hinihintay ng palasyo ang panukala ng Department of Energy na bumuo ng oil contingency task force.
Ayon kay Panelo, kapag nakapag sumite na ang DOE ng proposal, maaring magpalabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyon ang naturang problema.
Una nang sinabi ng Department of Finance na stable pa naman ang suplay ng langis sa bansa.
Bukas ay muling magpapatupad ng bigtime oil price hike ang mga kumpanya ng petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.