Mga motorsiklo isinusulong na ilibre sa road users tax; singil naman sa iba pang sasakyan itataas
Malilibre na sa Vehicle User’s Charge (MVUC) o road users tax ang mga motorsiklo na walang side car at ang mga may engine displacement engine na 400cc pababa.
Ito ang nakasaad sa House Bill 4695 na inihain ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep. Joey Salceda, subalit itataas naman ang singil sa iba pang uri ng sasakyan.
Sinabi ni Salceda na milyun-milyong motorcycle riders ang makikinabang sa panukala dahil hindi naman sila masyadong sumasakop ng kalsada kumpara sa ibang sasakyan.
Nilinaw naman ng kongresista na hindi naman bibiglain ang mga motorista kaya’t dahan-dahang ipatutupad sa loob tatlong taon ang pagtataas at pagsapit ng taong 2023 ay papasok ang unitary rate na P1.40 per kilogram ng gross vehicle weight sa lahat ng uri ng sasakyan.
Bukod dito Itatakda na rin ang 5-porsyento pagtataas ng road users tax simula sa Enero 1, 2024.
Gagamitin naman ang malilikom na pondo sa Universal Health Care law at sa Public Utility Vehicle Modernization Program.
Tinataya ni Salceda na kikita ang gobyerno ng karagdagang P8.12 bilyon para sa taong 2020 hanggang sa umabot ng P32.61 bilyon sa taong 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.