Ilegal na droga at iba pang organized crime sa bansa posibleng may kaugnayan sa POGO ayon kay Rep. Barbers
Nagbabala si Surigao Rep. Robert Ace Barbers na posibleng konektado ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa illegal drugs at iba ang organized crimes syndicates sa bansa.
Inihalimbawa ni Barbers ang pag-aaral ng UN na katulad ng gaming operations sa Macau at Cambodia na pinapatakbo ng Italian mafia at drug syndicates para sa money laundering operations.
Sa kabila nito, inamin naman ng kongresista na para patunayan ang ugnayan ng POGO sa organized crime ay kailangan ng malalim na masusing imbestigasyon.
Paliwanag naman ng kongresista , na nakatanggap siya ng ulat na 46 sa 58 POGO na nakarehistro sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay hindi nakarehistro na local at foreign corporations bilang business entity.
Kaya maituturing na kolorum ang mga ito na tulad ng isang pampasaherong jeep o bus na bumabyahe sa isang partikular na rua subalit walang prangkisa mula sa LTO.
Dahil dito kaya hinikayat ni Barbers ang mga otoridad na busisiin at imbestigahan ang nasabing mga POGOs.
Nauna na rin naghain ng resolusyon ang mga kongresista para imbestigahan ang industriya ng POGO dahil lumalabas pa lumalabas sila sa immigration at labor laws.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.