Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Catanduanes, Linggo ng hapon.
Batay sa impormasyon ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 65 kilometers Southeast ng Baras bandang 4:25 ng hapon.
May lalim ang lindol na 18 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.