Art exhibit for a cause, bubuksan sa Kamara

By Jan Escosio September 22, 2019 - 03:57 PM

Inilunsad ng Congressional Spouses Foundation, Inc. (CSFI), sa pangunguna ng President ang “Pinto sa Kongreso: An Art Appreciation Exhibit.”

Ayon kay CSFI President at Chairperson Taguig Rep. Lani Cayetano, ito para sa isang fund-raising art exhibition na bubuksan sa Lunes, September 23, sa South Wing Lobby ng House of Representatives.

Ito aniya ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Pinto Art Gallery at tatagal hanggang October 3.

Sinabi pa ni Cayetano na ang kikitain sa art exhibit ay gagamitin sa mga proyekto at programang pangkabuhayan ng CSFI.

Katuwang ang CSFI, na binubuo ng mga asawa ng mga miyembro ng Kamara, ay tumutulong sa responsibilidad ng mga mambabatas sa pamamagitan ng socio-civic oriented projects sa mga legislative districts.

Dagdag pa ni Cayetano, masasaksihan ang husay at talento sa pagpipinta maging ang lawak ng imahinasyon ng mga Filipino sa art exhibit.

Sa pamamagitan ng gawa ng 75 sikat na pintor ay maipapakita ang mayaman na kultura ng mga Filipino sa pamamagitan ng abstract expressions hanggang sa figurative depictions.

Dadalo bilang panauhing pandangal sina Speaker Alan Peter Cayetano at Dr. Joven Cuanang mula sa Pinto Art.

TAGS: "Pinto sa Kongreso: An Art Appreciation Exhibit", CSFI, Lani Cayetano, "Pinto sa Kongreso: An Art Appreciation Exhibit", CSFI, Lani Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.