“Free WiFi for All Program” ilulunsad ng DICT sa San Juan City
Ang lungsod ng San Juan ang unang makikinabang sa “Free WiFi for All Program” ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Bukas araw ng Lunes, September 23 ay lalagdaan na ang memorandum of agreement sa pagitan ng DICT at pamahalaang lungsod ng San Juan.
Dadaluhan ni DICT Sec. Gregorio Honasan at San Juan Mayor Francis Zamora ang MOA signing.
Dahil sa nasabing programa ay ang San Juan ang magiging kauna-unahang lungsod sa Pilipinas na magkakaroon ng libreng WiFi Zones sa bawat barangay mula sa naturang proyekto ng DICT.
Kabilang sa makikinabang sa libreng WiFi ang City Hall, San Juan Medical Center, lahat ng barangay halls, multipurpose halls, barangay basketball courts, Pinaglabanan Shrine, palengke, public schools, PUP San Juan at marami pang ibang public areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.