Libu-libo nakibahagi sa taunang “Alay Lakad”
By Dona Dominguez-Cargullo September 22, 2019 - 08:47 AM
Libu-libong katao ang nakibahagi sa “Alay Lakad” ngayong taon.
Ang tema para sa taong ito ay “Lakad Para sa Pag-asa ng Kabataan” na nilahukan ng mga estudyante, mga opisyal at empleyado ng gobyerno at iba’t ibang civic groups.
Mula Roxas Boulevard ay naglakad ang mga lumahok hanggang sa Quirino Grandstand.
Nasa ika-57 taon na ngayon ng “Alay Lakad” at para sa taong ito, layuning makalikom ng pondo para sa nasa 50,000 kabataan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.