Mga Pinoy sa Saudi Arabia ligtas matapos ang oil refinery attacks
Walang Pinoy na nadamay sa pag-atake sa oil refinery sa Saudi Arabia.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III sa ngayon wala pang natatanggap na ulat ang ahensya na Pinoy na nasaktan o naapektuhan sa pag-atake.
Umaasa si Bello na hindi maapektuhan ang mga Pinoy na nasa Jeddah, Riyadh at Dammam bunsod ng nangyari.
Ang pasilidad ng Saudi Aramco ang pinakamalaking oil firm sa buong mundo at naapektuhan ito ng drone attacks noong Sept. 14.
Ang Iran ang sinisisi ng US na nasa likod ng pag-atake.
Nagpalabas naman na ng abiso ang Philippine Embassy sa Tehran sa mga Pinoy sa Iran na maging maingat sa kanilang paglabas-labas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.