DILG sa BJMP: Panatilihing malinis ang mga kulungan

By Noel Talacay September 22, 2019 - 03:18 AM

File photo

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na panatilihing malinis ang jail facilities para maiwasan ang kahit anong sakit na maaaring makuha ng mga preso.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, pag madumi ang mga kulungan ay maaaring magkasakit ang mga preso lalo na ngayon na uso ang sakit na dengue.

Paalala ng kalihim sa mga jail warden at pinuno ng lahat ng regional offices ng BJMP na pangunahan ang paglilinis ng kanilang mga jail facility.

Dagdag pa ng kalihim, dapat bigyan ng dignidag ang mga nakakulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinis na piitan.

Hindi naman anya nakakalimutan na dapat maparusahan ng mga kriminal pero nakatuon din ang ahensya sa pagbibigay ng repormasyon sa mga preso.

 

TAGS: BJMP, Dengue, DILG, inmate, jail facilities, kulungan, malinis, panatilihing malinis, preso, BJMP, Dengue, DILG, inmate, jail facilities, kulungan, malinis, panatilihing malinis, preso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.