Imahe ng Itim na Nazareno, nailipat na sa Quirino Grandstand

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon January 07, 2016 - 06:32 AM

Photo by: Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer
Photo by: Nino Jesus Orbeta of Philippine Daily Inquirer

Mas maagang inilipat sa Quirino Grandstand ang Imahe ng Itim na Nazareno kumpara sa nakagawian.

Ito ay para sa taunang pahalik sa nalalapit na kapistahan ng Black Nazarene sa Sabado, January 9.

Inaayos pa ngayon ang barikada, sound system at entablado ng Quirino Grandstand at hindi pa sinisimulan ang pahalik.

Alas 10:30 ng gabi kagabi inilipat sa Quirino Grandstand ang Itim na Nazareno na mas maaga kumpara sa nakagawian noong nagdaang mga taon na isinasagawa ang paglilipat isang araw bago ang traslacion.

Bagaman hindi pa nagsisimula ang pahalik, maaga pa lamang ay mayroon nang ilang deboto sa lugar para mauna sila sa pila.

TAGS: Feast of Black Nazarene, Feast of Black Nazarene

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.