Libo-libong pekeng news accounts ipinasara ng Twitter
Ipinasara ng social media site na Twitter ang libo-libong pekeng news accounts sa buong mundo kabilang sa United Arab Emirates, China at Spain araw ng Biyernes.
Ayon sa Twitter, ang mga ipinasara ay nagkakalat ng mga pekeng balita at nagsisilbing mga pro-government propaganda.
Kabilang sa mga ipinasara ang 4,302 Twitter accounts sa China na naghahasik ng hidwaan sa mga nagpoprotesta sa Hong Kong.
Ito ay matapos na matukoy noong Agosto ang mahigit 200,000 na pekeng accounts sa China.
Gayundin ang mga accounts na naglalaman ng mga mensahe pabor sa Saudi na nagmumula sa Egypt, UAE, Qatar at Yemen.
Sinuspinde rin ang mga pekeng news accounts sa Ecuador at Spain.
Ang hakbang ng Twitter ay dahil sa paggamit ng ilang sektor sa naturang platform para imanipula ang opinyon ng publiko.
Una nang nagtanggal ang Facebook ng mga pekeng accounts sa Egypt, Saudi Arabia at UAE dahil sa mga maling posts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.