G. Araneta Avenue Extension isasara sa mga motorista ngayong weekend

September 20, 2019 - 06:47 PM

Isasara sa mga motorista ang G. Araneta Avenue Extension sa September 21 (Sabado) at September 22 (Linggo).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang road closure ay sa pagitan ng Aurora Boulevard sa Quezon City at N. Domingo sa San Juan City.

Magsisimula ang closure alas 6:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi bukas at sa Linggo.

Ito ay para bigyang-daan ang paglalagay ng girder para sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Skyway Stage 3 Project.

Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na gamitin ang sumusunod na alternatibong ruta:

Galing N. Domingo patungong G. Araneta Ave. at R. Magsaysay Blvd.
– Dumaan sa F. Roman o H. Lozada St., o J. Ruiz St., kaliwa sa Aurora Blvd. patungong destinasyon.

Galing R. Magsaysay Blvd. at G. Araneta Ave. patungong N. Domingo
– Dumaan sa Aurora Blvd., kanan sa A. Luna St. o kanan sa A. Lake St., kanan o kaliwa sa N. Domingo patungong destinasyon.

TAGS: G Araneta Avenue, mmda, quezon city, road closure, san Juan, skyway stage 3 project, G Araneta Avenue, mmda, quezon city, road closure, san Juan, skyway stage 3 project

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.