Mahigit isang bilyong pisong karagdagang pondo sa 2020 hiningi ng Kamara

By Erwin Aguilon September 20, 2019 - 05:13 PM

Nakukulangan si House Committee on Accounts at Cavite Rep. Abrahan Tolentino sa panukalang P14B na pondo ng Mababang Kapulungan sa susunod na taon.

Ayon kay Tolentino, kailangan ng Kamara ng karagdagang P1.6B para sa taong 2020.

Paliwanag nito, nadagdagan ang mga deputy speakers, vice chairmen ng mga komite at maging ang mga komite ng Kamara.

Sinabi pa nito na Ginawa ang budget proposal noong hindi pa nagbobotohan ng speaker kaya hindi pa naikonsidera ang magiging organisasyon ng House leadership.

Bukod dito, lumaki rin ang bilang ng mga miyembro ng Kamara bukod pa sa 4,000 empleyado nito.

Samantala, Hindi tumagal ng 5 minuto ang budget deliberation ng panukalang pondo ng Congress of the Philippines kabilang ang Senado, Kamara, Senate Electoral Tribunal, House of Representatives Electoral Tribunal at Commission on Appointments.

TAGS: HOR, House Budget, House Committee on Accounts at Cavite Rep. Abrahan Tolentino, Kamara, karagdagang P1.6B para sa taong 2020, HOR, House Budget, House Committee on Accounts at Cavite Rep. Abrahan Tolentino, Kamara, karagdagang P1.6B para sa taong 2020

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.