3 kadete hawak ng PMA at iniimbestigahan na sa pagkasawi ni Darwin Dormitorio
Hawak na ng Philippine Military Academy (PMA) ang tatlong kadete na persons of interest sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio.
Ayon kay Lt. Gen Ronnie Evangelista, superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) nakakulong na ang tatlo at sumasailalim na sa imbestigasyon.
Aminado naman si Evangelista na nagkaroon ng administrative lapses kaya nangyari ang insidente at kasama ito sa iimbestigahan.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ni Police Capt. Reynaldo Dave, medico-legal, lumitaw na pinagtulungang bugbugin ang biktima.
Umabot sa 20 kadete ang isinasailalim ngayon sa panayam at posible silang maging testigo.
Aalamin din kung mayroong iba pang miyembro ng class ni Dormitorio ang nakaranas ng pananakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.