727 na miyembro ng rebeldeng grupong “Kapatiran” nagbaba ng armas
Nasa 727 miyembro ng Rebolusyunaryong Partido Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade-Tabara Paduano Group o kilala bilang Kapatiran ang nagbaba ng armas.
Ang decomissioning ay isinagawa araw ng Huwebes (Sept. 19) sa headquarters ng 3rd Infantry Division (3ID) sa Camp General Macario B. Peralta, Jr. sa bayan ng Jamindan sa lalawigan ng Capiz.
Ang nasabing okasyon ay sinaksihan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aabot sa 337 mga armas ang isinuko ng mga miyembro ng Kapatiran sa ceremonial demilitarization.
Ang Pangulo rin ang nanguna sa paggagawa ng suporta sa miyembro ng rebeldeng grupo kasabay ng pangako ng patuloy na pagsuportahan ng kanyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.