Gilas Pilipinas bigong makakuha ng qualifying slot sa 2020 Tokyo Olympics

By Len Montaño September 20, 2019 - 04:12 AM

Bigo ang Gilas Pilipinas na makakuha ng slot sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments sa susunod na taon.

Ito ay matapos na makuha ng South Korea ang No. 30 spot sa natapos na FIBA World Cup sa China.

Ang naturang ranking sana ang nagbigay-daan para makakuha ng Olympic qualifying slot ang national basketball team ng Pilipinas.

Walang panalo ang Gilas sa FIBA sa China at nagtapos ito sa ika-32 pwesto habang ang South Korea ay mas mataas ang pwesto dahil sa naitalang 1-4 record.

Sa rehiyon ng Asya, pasok sa Olympic qualifier ang China, New Zealand at South Korea.

Sa 24 teams na kumpirmadong kasama sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments, sampung bansa mula sa Europe ang maglalaro, pito ang kasama mula sa Americas habang tatlo ang mula sa Africa.

Samantala, walong bansa ang siguradong qualified na sa 2020 Tokyo Olympics.

 

TAGS: 2020 Tokyo Olympics, bigo, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, qualifying slot, south korea, 2020 Tokyo Olympics, bigo, Fiba World Cup, Gilas Pilipinas, qualifying slot, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.