Takot sa bakuna dahilan ng pagbabalik ng polio sa bansa ayon sa DOH

By Len Montaño September 20, 2019 - 04:45 AM

File photo

Nakita ng Department of Health (DOH) na ang takot ng publiko sa bakuna ang dahilan ng pagbabalik ng polio sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang isyu ng Dengvaxia ang isa sa mga dahilan ng mababang bilang ng mga nagpabakuna kabilang na ang takot ng mga magulang na isama ang kanilang mga anak sa immunization program ng gobyerno.

Ang mababang coverage vaccine ay nangangahulagan ng mas mataas na transmission ng sakit gaya ng polio.

Base sa datos ng DOH, ang mga nabakunahan ng oral polio vaccine ay mababa sa target na 95 percent sa nakalipas na sampung taon.

Ang naturang porsyento sana ang kailangan para makamit ang immunity at proteksyon laban sa polio.

Sakop dapat ng tatlong doses ng oral polio vaccine ang mga bata na may edad 1 taong gulang pababa.

Pero nasa 66 percent hanggang 68 percent lamang ang average polio vaccination noong nakaraang taon at sa unang anim na buwan ngayong taon, bagay na ayon sa kalihim ay sadyang hindi sapat.

 

TAGS: 95 percent, bakuna, Dengvaxia, doh, Health Secretary Francisco Duque III, immunity, immunization program, oral polio vaccine, Polio, proteksyon, takot, 95 percent, bakuna, Dengvaxia, doh, Health Secretary Francisco Duque III, immunity, immunization program, oral polio vaccine, Polio, proteksyon, takot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.