Macabebe, Pampanga isinailalim sa state of calamity dahil sa pagbaha

By Len Montaño September 20, 2019 - 01:14 AM

Macabebe Town FB page

Isinailalim sa state of calamity ang Macabebe, Pampanga dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng epekto ng Habagat at Bagyong Nimfa.

Nagpasa ng Resolution No. 23 ang Sangguning Bayan na nagdeklara ng state of calamity sa Macabebe araw ng Huwebes.

Binanggit sa resolusyon ang matagal ng pagbaha sa iba’t ibang lugar sa munisipalidad dahil sa patuloy na pag-uulan.

Dahil dito ay hindi madaanan ng halos lahat ng uri ng sasakyan ang mga pangunahing lansangan sa Macabebe.

Sa ilalim ng state of calamity ay pwede nang gamitin ng lokal na pamahalaan ang 30% ng kanilang Quick Response Fund.

TAGS: Bagyong Nimfa, habagat, Macabebe, pag-ulan, pagbaha, Pampanga, State of Calamity, Bagyong Nimfa, habagat, Macabebe, pag-ulan, pagbaha, Pampanga, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.