Online shopping sites at app based delivery services maaring nagagamit sa bentahan ng ilegal na droga – PDEA

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2019 - 11:48 AM

Naghihinala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagagamit ang online shopping sites at app-based delivery services sa pagbebenta ng ilegal na droga at drug paraphernalia.

Ito ay matapos ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina Juan Carlos Reyes Antonio, isang licensed pharmacist, at Nilo Manipon Ramirez, Jr., isang registered nurse.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, Ang dalawa ay nadakip sa magkahiwalay na operasyon sa Pasig City at Quezon City araw ng HUwebes, Sept. 19.

Sinabi ni Aquino na may mga na-recover silang ‘tooters’ mula sa dalawa na inorder umano sa online shopping sites.

Ayon kay Aquino, kung ang drug paraphernalia ay nabibili sa online shopping sites posibleng nakabibili rin ng illegal drugs online.

Ani Aquino umamin mismo ang mga naarestong suspek na gumagamit sila ng app-based courier services para sa pag-deliver ng ilegal na droga.

TAGS: app-based courier services, buy bust, Online shopping sites, Pasig City, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), quezon city, War on drugs, app-based courier services, buy bust, Online shopping sites, Pasig City, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), quezon city, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.