Metro Manila at mas maraming lalawigan sakop ng rainfall advisory ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2019 - 08:03 AM

Sa inilabas na panibagong rainfall advisory ng PAGASA ay mas marami pang lalawigan ang uulanin sa susunod na mga oras.

Sa abiso ng weather bureau, alas 5:00 ng umaga, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon.

Ang pag-ulang nararanasan ay bunsod ng Habagat.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na maging alerto sa lagay ng panahon.

Maari kasing magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang nararanasang pag-ulan.

TAGS: bataan, Bulacan, cavite, habagat, laguna, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Quezon, rainfall advisory\], Rizal, Tarlac, weather, zambales, bataan, Bulacan, cavite, habagat, laguna, Metro Manila, nueva ecija, Pagasa, Pampanga, Quezon, rainfall advisory\], Rizal, Tarlac, weather, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.