Water level ng Angat dam mahigit 189 meters na
By Dona Dominguez-Cargullo September 19, 2019 - 07:52 AM
Sumampa na sa mahigit 189 meters ang water level ng Angat dam.
Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Sept. 19, nasa 189.64 meters na ang water level ng Angat.
Tumaas pa ito kumpara sa 188.98 meters na water level nito kahapon ng umaga.
Nadagdagan din ang water level ng Ipo dam at Le Mesa dam na nasa 101.11 meters at 78.30 meters.
Tumaas din ang antas ng tubig sa Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat.
Habang nabawasan naman ng bahagya ang water level sa San Roque at Caliraya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.