Pangulong Duterte, ipinag-utos ang ‘total revamp’ sa BuCor

By Rhommel Balasbas September 19, 2019 - 02:57 AM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang balasahan sa Bureau of Corrections (BuCor) kasunod ng nadiskubreng kaliwa’t kanang katiwalian sa ahensya.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ‘total revamp’ ang nais ng presidente o mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na posisyon.

Sinabi pa umano ng pangulo na ipalilipat ang guards ng BuCor sa mga probinsya at ang provincial guards naman ay ililipat sa BuCor.

“Total revamp sa Bureau of Corrections. Ang pagkakasabi niya sa akin, yung mga guards doon, ililipat niya sa probinsiya; yung mga nasa probinsiyang guards, ililipat niya sa BuCor,” ani Panelo.

Tanggal lahat anya ng mga opisyal at empleyado para maalis na ang korapsyon sa BuCor.

Dahil sa total revamp, sinabi ni Panelo na mabibigyan ng pagkakataon si bagong BuCor chief Gerald Bantag na pumili ng mga taong nais niyang makatrabaho.

Tinanong din si Panelo kung plano bang makausap ni Duterte ang mga kasalukuyang opisyal ng BuCor ay sinabi nito na sa tingin niya ay hindi ito gusto ng presidente.

“I don’t think he wants to meet them,” ayon sa kalihim.

Nakaladkad ang buCor matapos palayain ang nasa 2,000 heinous crime convicts mula 2014 dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

 

TAGS: bucor, BuCor chief Gerald Bantag, convicts, GCTA, Katiwalian, malawakang balasahan, Rodrigo Duterte, total revamp, bucor, BuCor chief Gerald Bantag, convicts, GCTA, Katiwalian, malawakang balasahan, Rodrigo Duterte, total revamp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.