Yellow rainfall warning nakataas sa ilang bayan sa Zambales

By Rhommel Balasbas September 18, 2019 - 11:20 PM

Nakataas ang heavy rainfall warning sa ilang bayan sa Zambales dahil sa nagpapatuloy na nararanasang mga pag-ulan.

Sa abiso ng PAGASA alas-10:35 Miyerkules ng gabi, yellow warning ang umiiral sa mga bayan ng Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba at Botolan.

Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng mga pagbaha sa mga flood-prone areas.

Mahina hanggang katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan naman ang nararanasan sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, at ilan pang bahagi ng Zambales.

Samantala, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Pinapayuhan ang publiko at Disaster Risk Reduction and Management Offices na bantayan ang lagay ng panahon at abangan ang susunod na advisory na ilalabas alas-2:00 ng madaling-araw ng Huwebes.

 

TAGS: heavy rainfall warning, katamtaman, mahina, pag-ulan, Pagasa, pagbaha, yellow warning, zambales, heavy rainfall warning, katamtaman, mahina, pag-ulan, Pagasa, pagbaha, yellow warning, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.