M3.5 na aftershock naitala sa Davao Occidental
Naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Occidental alas 9:56 Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, ito ay ang aftershock ng magnitude 5.4 na lindol na ang episentro ay sa bayan ng Sarangani.
Sa unang lindol alas 3:00 ng hapon, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Alabel, Sarangani at General Santos City.
Parehong tectonic ang pinagmulan ng magkasunod na pagyanig.
Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian pero una nang sinabi ng Phivolcs na asahan ang aftershocks dahil sa unang malakas na lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.