Pangulong Duterte at mga dating pinuno ng BuCor hindi pa rin dapat makalusot sa isyu ng GCTA
Nanindigan ang Makabayan bloc sa Kamara na hindi dapat makalusot si Pangulong Duterte at ang kanyang itinalagang
mga pinuno sa Bureau of Corrections sa isyu ng cash for release kahit pa binago na ang Implementing Rules and
Regulations (IRR) ng Republic Act 10592 o GCTA law.
Ayon kay Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, maaaring may maghugas kamay na lang, gamit ang ginawang
pagrepaso sa GCTA law upang makaligtas sa anumang pananagutan.
Kinuwestyon pa ng kongresista na ang nasakop lang ng IRR ay ang mga convicted simula noong 2013 pero ang mga
nakinabang sa GCTA bago ang 2013 ay malaya na ng tuluyan.
Sinabi pa ni Brosas na batay sa kanilang nakuhang listahan mula sa BuCor, halos araw-araw pa ring may napalalaya
dahil sa GCTA law nuong Agosto sa kabila ng mga pagkontra at sa isinasagawa nuong pagrepaso sa IRR.
Ang pinakahuli aniyang napalaya dahil sa GCTA law ay nuong Setyembre 12.
Iginiit nito na hindi naipaliwanag sa nirebisang IRR kung bakit naghintay pa ang palasyo na mabunyag ang anomalya at
makalaya ang halos dalawang libong convicted sa heinous crimes bago umaksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.