8 sundalo na nasawi sa bakbakan pinagkalooban ng posthumous Order of Lapu-Lapu ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 10:29 AM

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng posthumous Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag, ang walong sundalong nasawi sa magkahiwalay na bakbakan sa Basilan at Sulu provinces laban sa bandidong grupong Abu Sayyaf.

Ayon sa Presidential Communications Office kabilang sa mga ginawaran ng pagkilala ang mga sumusunod:

Technical Sergeant Alberto P. Garde
Staff Sergeant Jayson C. Sawit
Staff Sergeant Aldam S. Baginda
Staff Sergeant Kasir J. Riban
Corporal Nelson Vidal
Private First Class Jake A. Ameglio.

Ang anim ay nasawi noong November 8, 2017 nang makasagupa ang mga miyembro ng ASG sa Sumisip, Basilan.

Binigyang pagkilala din sina Private First Class Emie Pumicpic at Private First Class Benhar Ahajul na kapwa nasawi sa bakbakan sa Sulu noong August 7, 2016.

Nangako din si Pangulong Duterte na patuloy na tutulungan ang pamilya ng mga nasawing sundalo kabilang ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

TAGS: Abu Sayyaf, ASG, posthumous Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag, Abu Sayyaf, ASG, posthumous Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.