Matapos mag-alok ng pabuya, Mayor Marcy Teodoro nakatanggap na ng maraming sumbong kaugnay sa mga baboy na inanod sa Marikina River

By Dona Dominguez-Cargullo September 18, 2019 - 08:49 AM

Makaraang mag-alok ng pabuya ay maraming text messages na ang natanggap ng pamahalaang lungsod ng Marikina hinggil sa mga baboy na inanod sa Marikina River.

Nag-alok si Marikina City Mayor Marcy Teodoro ng P200,000 pabuya sa sinumang makapagtuturo sa nagtapon ng mga baboy sa ilog na inanod sa Marikina.

Kabilang sa mga mensaheng natanggap ni Teodoro ay ang mga sumbong hinggil sa mga umano ay nagtapon ng patay na baboy sa ilog.

Laman ng mga mensahe ang lugar, petsa at pangalan ng mga nagtapon ng baboy.

Pero ayon sa Marikina City Government, lahat ng mensahe at sumbong ay sasailalim sa masusing kumpirmasyon para matukoy kung sino talaga ang nararapat na makatanggap ng pabuya.

TAGS: African Swine Fever, ASF, Marikina City, marikina river, African Swine Fever, ASF, Marikina City, marikina river

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.