Metro Manila, mga kalapit na lalawigan uulanin sa susunod na mga oras dahil sa Habagat

September 18, 2019 - 05:25 AM

Makararanas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa susunod na mga oras.

Sa rainfall advisory ng PAGASA alas 5:00 ng umaga, aasahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Bataan, Pampanga at Bulacan.

Mahina hanggang katamtaman ding pag-ulan ang nakaaapekto na sa Nueva Ecija at Zambales.

Ayon sa PAGASA, Habagat ang dahilan ng nararanasang pag-ulan.

Pinayuhan ang publiko na maging alerto at patuloy na imonitor ang ipalalabas na mga abiso ng weather bureau.

TAGS: bataan, Bulacan, Metro Manila, nueva ecija, Pampanga, rainfall advisory\], Tarlac, weather bureau, zambales, bataan, Bulacan, Metro Manila, nueva ecija, Pampanga, rainfall advisory\], Tarlac, weather bureau, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.