Presyo ng processed meat products tataas

By Len Montaño September 18, 2019 - 03:29 AM

File photo

Sa gitna ng banta ng African Swine Fever (ASF), nakaamba ang dagdag presyo ng ilang processed meat products sa susunod na mga buwan.

Ang pagtaas ng presyo ng naturang produkto gaya ng hotdog at bacon ay bunsod ng posibleng pagkaunti ng supply ng karneng baboy dahil sa ASF.

Ang dagdag presyo ay nasa pagitan ng 30 at 40 porsyento ng presyo ng imported na pork cuts.

Samantala, habang papalapit ang kapaskuhan ay nagbabala rin ang industrya na maaari namang dumoble ang presyo ng ham.

Gayunman tiniyak ng mga manufacturers ng processed meat products na hindi nila gaanong itataas ang presyo pagdating sa mga palengke dahil baka lalong lumiit ang kanilang kita.

Sa gitna ng banta ng ASF, dumaraing na ang mga nasa sektor ng baboy ng pagbagsak ng kita dahil sa naturang sakit na tumatama sa mga baboy.

 

TAGS: African Swine Fever, baboy, bacon, dagdag presyo, ham, hotdog, processed meat products, African Swine Fever, baboy, bacon, dagdag presyo, ham, hotdog, processed meat products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.