Liza Soberano humingi ng paumanhin dahil sa isyu ng ‘black face’
Matapos mapuna ay nag-sorry ang aktres na si Liza Soberano dahil sa isyu patungkol umano sa “black face” dahil sa kanyang litrato na ang peg ay ang Spice Girls na si Mel B.
Binatikos ang larawan ni Liza para sa isang fast food advertisement dahil sa umanoy paggamit ng dalaga sa kulay ng balat ng international singer.
Pero sa kanyang tweet ay ipinaliwanag ng aktres na hindi niya intensyon na laitin ang sinuman o anumang kultura o grupo.
“Before everything gets out of hand I would like to apologize for those affected by my comments about the whole ‘black face’ issue. It wasn’t my intention to mock anyone of any culture or ethnicity,” tweet ni Liza.
Ang paghingi ng paumanhin ng aktres ay matapos na magkomento ang isang netizen na umanoy nagpakita ng “black face” ang dalaga.
Pero ayon kay Liza, isa lamang costume ang kanyang ipinakita at hindi isang uri ng “black face.”
Isa lamang anya itong costume gaya na lang kung paano magdadamit ang sinuman na magpo-portray sa karakter ni Mel B.
Gayunman ay kinilala ni Liza na sensitibo ang isyu kaya nagdesisyon na itong manahimik at nagpasalamat sa mga nagbigay linaw sa kanya sa naturang pangyayari.
I understand that this is a sensitive topic and that I should’ve kept my mouth shut. [From] now on I will try to be more educated about matters like this to make sure I don’t make careless mistakes like this again in the future,” ani Liza.
View this post on Instagram
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.