Lalaki patay makaraang masagasaan ng cargo truck sa Lucena City
Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos masagasaan ng isang cargo truck sa Lucena City.
Naganap ang aksidente sa Barangay Bocohan, madaling araw ng Martes, (Sept. 17).
Ayon sa Lucena Police, ang biktima ay nasa edad 50 hanggang 60.
Tumatawid ito sa diversion road nang dumating ang truck na minamaneho ni Arnel Bartolay at nasagasaan ang lalaki.
Mismong si Bartolay naman ang nagtungo sa police community precinct na ‘di kalayuan sa lugar para iulat ang insidente.
Patuloy na kinikilala ang biktima para maipaalam sa kaniyang pamilya ang nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.